Custom Search



Grrrr!!! Hanggang ngayon mainit pa ulo ko sa hinayupak na pedestrian na nakaaway ko kaninang umaga! Biruin nyo, pauwi na lang ako ng bahay namin, as in isang liko na lang ako sa kalye namin at abot tanaw ko na ang bahay namin eh, binuwisit pa ko ng hambog na tumatawid na yun. :mad:

Nung paliko na ako sa kalye namin, eh may tumatawid na isang kups naka-japorms. Medyo umuulan kaya naka-sweater ang mokong! Eh di siyempre, baka kako di nya ako napansin kaya bumusina ako ng isang beses para naman malaman nya na dadaan ako. Aba’t nung bumusina ako eh, lalo pang binagalan ang lakad at ngingisi-ngisi pa ang mokong na para bang nang-aasar. Eh di siyempre, uminit ang ulo ko at sa lahat ng ayaw ko eh inaangasan ako. Kaya bumisina ako ng todo at huminto ako at binuksan ko yung bintana ng kotse ko, at mumurahin ko sana, pero naisip ko na nasa likod ang anak ko at di ata magandang marining nya akong magmura, kaya ayun sumigaw na lang ako ng malakas na “HOY” saba’y duro sa jologs na tumatawid. Aba’t lumingon lang sabay diretso ng lakad ang hinayupak. Hahabulin ko sana para gulpihin eh, pero kinapitan ako ng misis ko. Eh di naman ako makapalag sa misis ko dahil buntis. Baka kung nagpumilit akong lumabas ng sasakyan eh sumakit pa tyan nya sa nerbiyos o sa kung ano mang stress! Kaya ayun, wala akong nagawa kundi umuwi na lang na gigil na gigil para lang di mapano ang misis ko.

Hayup na yun! Pag nakita ko uli yung mokong na yun, eh sasagasaan ko na talaga yun eh para tumigil ang kayabangan!!! Grrrrr!!!! :mad:

Popularity: 4% [?]

2 Responses to “Buwisit na Pedestrian!!”

  1. GARCI Says:

    BUTI N LANG AT NAKAPAGPIGIL K PARE!!! SA SUSUNOD PABABYAAN MO NA LANG UNG MGA GANONG TAO/SITWASYON, ALALAHANIN MO PAMILYA MO..MAY MAKAKATAGPO RIN UNG MGA GANONG KLASENG TAO. KITA MO NAMAN MGA BALITA NGAYON, SA MALIIT NA BAGAY, NAGPATAYAN!!! KUNG NAGKATAONG SIRA-ULO/ADIK YUNG NAKABANGGA MO AT MAY DALANG BARIL, BAKA TIGOK K N NGAYON, PAANO PAMILYA MO, KAYA KONTING ALALAY LANG TOL!!! PABAYAAN MO YUNG MGA GANONG TAO, MAY MAKAKATAPAT RIN SILA.

    PEACE!!! \m/

  2. hyperaxe Says:

    Oo nga pre, na-realize ko rin yan. Ang una ngang naisip ko eh yung nabalita dati na nagka-iringan lang sa parking lot, tapos binaril yung mag-asawa. Ang masaklap, yung babae pa yung napuruhan at namatay, at di lang yun, buntis pa pala yung babae. Eh buntis pa man din ngayon yung asawa ko, kaya talagang dapat siguro iwasan ko na ang init ng ulo, para di na ako masabak sa gulo.

    Tsk!tsk!tsk!Parang wala ng halaga ang buhay ng tao ngayon, parang ang dali-dali na lang sa ibang tao ang pumatay. :(

    Salamat sa paalala pre! :)

Leave a Reply

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes